8.18.2009

My Precious


I am not very vocal about the schooling of my youngest daughter, Nicole. If I am, my blog posts frequency will be twice a day at a minimum. You see, it is her first time in school this year and she was making it memorable for all of us as always.

Nicole is in Senior Casa, or for the majority of us, it is called Nursery level. She is the tallest among the girls that is why she is seated at the back row, beside two other boy classmates. Sort of a princess with two princes charming drama.

She is not the most intelligent in their class but I'd always like to think that she is. This is because of her talent for thinking out of the box.

One time, she had this assignment to color the pictures on her book depending on the texture and hardness of the item. If it is hard, you have to color it blue, if it is soft, then color it orange. If it is rough, then color it yellow; otherwise color it red. When I checked on her assignment, I was surprised when I saw the picture of a hollow block, it was colored with green. I asked her, how come it is colored green, when there is no green color given on the instruction. She said that she colored it with blue first for it is hard, then colored it with yellow, for it is rough. The combination of the colors resulted to green. I was deeply amazed.

I asked her once, how come she was the only one in their class still without an ID card. I even teased her that maybe her teacher is having a hard time trying to put her face on the card. She quickly answered that her teacher is having a hard time spelling her name because she gave a wrong spelling when she was asked to write one. Pretty clever.

One day, I was checking her quizzes, I noticed that she had no correct answer on one of her tests. The instruction was to cross out those pictures which show good grooming. According to her, the instruction was wrong, that is why she crossed-out all those pictures that did not show good and proper grooming. She got a point there. I just found myself writing to her teacher to change or align the instruction from the book from now on.

Sam is pretty much intelligent, no question about that. She can memorize things in a very short period of time. But Nicole is no different, although she thinks very different. If Sam can perfect an objective type of exam, Nicole on the other hand can ace an essay-type. She's like a 10-year old trapped in a 5-year old body.


I simply cannot ask for more.

8.10.2009

Board Games

Nong bata pa ako, hindi ako masyado na expose sa paglalaro ng mga board games. Tanging mga tansan, goma, balat ng kendi at holen ang lagi kong kasama sa paglalaro. Ganunpaman, nakilala ko pa rin kahit papaano ang laro ng chess at dama. Sila lang dalawa ang nakalakihan kong mga board games ng buhay ko.

Hindi ko maituring na board game ang 'Sungka' kasi hindi siya nakasanayang tawagin na isa. Bagamat madalas din akong maglaro nito. Sabi ng tatay ko, ito daw ang board game na inimbento ng Pilipino, ito nga lang kaya?

Nasa high school na ako ng makasalamuha ko ang Scrabble at Monopoly. Sa isang kaibigang may kaya ko sila nakilala. Kinagiliwan ko ang paglalaro sa kanila na halos tuwing hapon pagkagaling sa eskwela ay niyayaya ko na yung kaibigan kong mayaman na maglaro kami ng Scrabble o di kaya Monopoly. Ngunit nang lumaon, parang hindi ako kuntento, parang hindi siya angkop sa panglasa ko. Tila naghahanap ako ng lasang Pinoy sa Amerikanong putahe.


Sinubukan kong maglaro ng Scrabble na Tagalog. Tinuruan ko ang iba kong mga kaibigan. Nagpalit lang kami ng mga letrang wala sa ABAKADA natin, gaya ng C, Q, Z at iba pa. Ang saya ng kinalabasan. Madalas panay kabastusan ang nagagawa naming salita.

Nakilala ko din nung medyo tumagal ang larong Cluedo. Mas masaya ito kasi mas magagamit mo ang utak mo dito. Pakiramdam ko lagi, isa akong espiya at ang paborito kong armas ay isang kandelabra.


Ngunit bitin pa rin ako. Hanggang sa ngayon, hindi ako masyado kuntento sa mga nilalaro kong board games, parang laging may kulang, parang laging hindi bagay sa akin. Hanggang sa makilala ko ang larong ito.


Siya ang tunay na pumukaw sa aking pagkauhaw sa mga board games. Siguradong Pinoy at pasok na pasok sa aking panglasa.


Eto ang aking kinababaliwan ngayon.

8.07.2009

An Elegy for Cory



As I was walking the other day,
I knew there's grief on my way.
The sky is being overcast
And flags are flying at half mast.

The air was somewhat melancholic
Perhaps the atmosphere was still sick.
Yellow ribbons waved their tails
In unprecedented scales.

I sat back and pondered
Why am I bothered?
I guess it's because I love this country
And the woman behind it's democracy.

As I was reading a caption and a picture below
About this great woman in yellow
I struggled and somehow stretched my neck
But actually, I was keeping my emotions in check.

A little girl witnessed everything
She smiled when she saw me crying
After then, I felt a little better
Although my voice obviously falter.

I stopped, as my emotion pleads
My heart weeps as it bleeds.
It seems there is nothing I can do
To hide my feelings so true.

Many have been said and done
Maybe mine will soon be gone
But her influence will always remain
Even in cold August rain.

How can I say my appreciation?
For all that you've done to our nation
I know words are not enough, but
Then again, maraming, maraming salamat!

8.01.2009

Si August


"Tuwing unang araw ng Agosto, ang unang bagay na pumapasok sa isip ko ay ang unang araw ko dito sa mundo."

Ito ang matalinhagang nakasulat sa notebook ng kaibigan kong si August noong nasa elementary pa kami. Hindi August 1 ang kaarawan niya, pero minarapat niyang ipagdiwang ang kanyang kapanganakan tuwing unang araw ng Agosto. Mas gusto niya raw ito kesa sa totoong araw ng bertdey niya na Agosto 27. Kung ano ang dahilan, ayaw niyang sabihin.

Kababata ko si August, kasing-idad at kasing-tingkad ng kulay. Miyembro kami pareho ng Riverside Boys (3rd generation). Sa aming tatlo nila Dennis, si August ang pinakamatangkad. Siya rin sa tingin ko ang pinakatahimik at pinakamabait. Kung ikukumpara kami sa karakter nila Tito, Vic at Joey; si August ay si Vic, ako si Tito at si Dennis si Joey. Ganon siya kabait.

Panganay sa apat na magkakapatid si August. Sa kanyang murang isipan, nasabak na siya sa hirap ng buhay. Sa aking pagkakakilala, naging marahas ang kanyang ama sa kanya. Malimit silang mapagalitang magkakapatid at madalas siya ang tagasalo ng palo para sa iba niya pang kapatid. Minsan na siyang pumasok sa eskwelahan na namamaga ang kamay dahil sa latay ng mga palo.

Hindi ko nakitaang magalit si August ni minsan, kahit pikon na pikon na siya sa mga tumutukso sa kanya. Madalang siyang ngumiti pero kapag napatawa mo, abot hanggang batok ang ngisi. Siya ang lagi kong kasabay kapag pumapasok sa eskwela, madalas tagabitbit ko pa ng bag kapag hindi ko na kaya. Nang mahuli kami minsan na nangunguha ng kamyas sa kabilang kalye, pinagtakpan niya ako at inako ang kasalanan ko. Hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang ginawang iyon ni August sa akin.

Maaga siyang naulila sa ama, akala ng marami ay natapos na rin ang kanyang kalbaryo ngunit doon pa lang pala nagsimula. Dahil sa mga pangyayari, napilitang tumigil ng pag-aaral si August at itaguyod ang iba niya pang mga kapatid. Dito ko nasaksihan ang kakayahan at katatagan ni August. Humanga ako ng todo.

Nagkahiwalay kami ni August nang masira ang looban. Matagal bago kami nagkita muli. Sa 1st birthday ng anak ni Dennis, doon biglang sumulpot si August. Nagulat ang lahat. Mas lalo siyang umitim pero mas lumaki ang katawan. Bumagay sa kanya ang haba ng kanyang buhok. Biruan pa nga noon ay baka nag NPA na siya. Nakakatakot kasi ang hitsura niya, iba sa nakagawian namin.

Pagkatapos noon ay muling namundok si August. Nawala ulit siya sa sirkulasyon.

Isang araw, sinabi sa akin ng aking anak na may pumunta sa amin na isang mama at hinahanap ako - August daw ang pangalan nito. Nag-iwan ng telepono at address ang mama. Sinubukan kong puntahan sa Pasay ang address at hindi nga ako nagkamali. Nagkita muli kami ni August.

Ipinakita niya sa akin ang kanyang munting tinitirhan at ang kanyang anak na nilalagnat. Sa aming pag-uusap, inamin niyang naligaw siya ng landas at nahirapan na siyang makita pa muli ang daan. Tumutulo ang luha habang nakayukong nagkukwento sa akin. Hinang-hina na ang kanyang loob, malapit na raw siyang bumigay; malayo sa matatag na August na nakilala ko noong bata pa kami.

Nangutang siya sa akin ng pera, hindi naman ganon kalaki at nangakong babayaran din kapag nakaluwag-luwag. Iniabutan ko siya ng doble sa hinihingi niya ngunit di niya tinanggap. Hindi niya raw ako mababayaran kapag nagkataon. Kinuha niya lang kung ano ang unang hiling niya sa akin at isinauli ang sobra. Dinagdagan ko na lang at sinabing ipagamot ang anak. Hindi niya pa rin tinanggap. Ibinalik ko ang alaala ng kamyas sa kanya. Sinabi ko na huwag niya nang pagsikapang bayaran ang inutang niya, kasi bayad na iyon, noon pa. Maya-maya, tumulo na rin ang luha ko.

Tuwing unang araw ng Agosto, ang unang bagay na pumapasok sa isip ko ay ang unang araw ng kaibigan ko dito sa mundo.

Happy Birthday pre.