2.25.2010

Little Letters

Eleven years ago, I was working as a Technical Support Engineer in a small broadcasting company. They assigned me then in Ormoc, Leyte for an installation work that will last for four days. Thess and I have just celebrated our fifth month-sary, so it was really hard for me to leave her for four days. Cellular phones were a luxury then and the nearest cellular site was at least 15 to 20 minutes drive. That only meant that we will not have any means of communication for the whole four days of my stay in Ormoc. I thought of not accepting the assignment but my boss insisted that I should come. This will be the most agonizing four days of my life… and so I thought.



What Thess did was to write me four letters corresponding to every day that I will be away from her and that I should read each letter on the exact day that it should be read. Monday letter must be read during Monday and Tuesday letter must not be read in advanced. Surely, that was one of the most nerve-racking methods to test my patience. And I must agree, one of the sweetest also.

I will give you a rundown of these letters, sort of an overview, extracted from its original document and I must warn you that it might increase your sugar level, so be careful…


Day 1 letter – Monday

 Dear Bhabes,

Surprise! I hope this letter would help you not to miss me so much.

Don’t worry I will try my best to make this letter interesting… I wouldn’t exactly call this a letter… it is more of a love note.

I LOVE YOU… I LOVE YOU… I LOVE YOU… I LOVE YOU……….
I LOVE YOU… I LOVE YOU… I LOVE YOU… I LOVE YOU……….
I LOVE YOU… I LOVE YOU… I LOVE YOU… I LOVE YOU……….
I LOVE YOU… I LOVE YOU… I LOVE YOU… I LOVE YOU……….

See… I told you this is a love note.

I want you to know that even though I will be very busy while you’re gone, a minute will not pass that I will not think of you.

God saw hunger – He made food
God saw pain – He comfort
God saw sorrow – He made joy
God saw me lonely – He made you



Day 2 letter – Tuesday

 Dear Bhabes,

How was your day? I hope everything is still according to your original schedule so I won’t have to wait anymore. I MISS YOU SO MUCH Bhabes.

Anyway, wish me good luck on my workshop tomorrow. I have to spend the day listening to the speaker in front but thinking of you. See what you did to me… you are trying my multi-tasking capability to the limit.

… And I don’t regret the rain
Of the nights I felt the pain
Or the tears I had to cry
Some of those times along the way
Every road I had to take
Every time my heart would break
It was just something that I had to get through
To get me to you…
To get me to you.



 Day 3 letter – Wednesday

 Dear Bhabes,

By the time you are reading this, my co-workers are trying to contact you. They can’t stand me anymore. I am going nuts missing you. I terribly need to hear your voice or hold your hand.

I could fill this page with I LOVE YOU…

I LOVE YOU… I LOVE YOU… I LOVE YOU… I LOVE YOU……….
I LOVE YOU… I LOVE YOU… I LOVE YOU… I LOVE YOU……….
I think I’m already starting. Anyway, I LOVE YOU…



Day 4 letter – Thursday

 Dear Bhabes,

Good morning! I’m keeping my fingers crossed and asking my angel to help you with your project so you won’t have to stay there for another day. I LOVE YOU.

Don’t forget to call me the minute you reach Manila.


My heart whispers “I love you, dear”
The shy lips move no words appear
When my love is true, sincere and real
What lips hide the eyes reveal.



Tell me now, how can I not fall in love with this woman?

2.17.2010

Tao Lang Din Ako


Naging madamdamin para sa akin ang araw ng mga puso noong taong 2008. Hindi dahil wala akong kasama noon kundi dahil nagtampo ako sa asawa ko. 

Nais ko lang ibahagi sa inyo ang isang pagkakataong sumubok sa aming mag-asawa. Katunayan na hindi perpekto ang pagsasama naming dalawa. Kumbaga, hindi parating tag-araw sa amin, nagkakaroon din kami ng manaka-nakang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat. Isa lang ito sa dahilan kung bakit mas mahal ko ang asawa ko ngayon kesa noong una.


Nagpaalam akong mag undertime noon sa opisina para maagang makauwi at pagkunway masusundo ko pa si misis sa trabaho. Ngunit dahil medyo marami pa talagang gawain sa opisina na hindi kayang ipagpabukas, hindi ako napayagang umuwi nang maaga. Masakit man sa loob ko dahil hindi na matutuloy ang aking mga plano sa aming date na mag-asawa, siniguro ko naman na pagpatak ng alas singko ay makakauwi na kaagad ako.

Bitbit ang binili kong isang dosenang puting rosas na hinaluan ng maliliit na bulaklak na kulay makopa na nakabalot sa isang plastik na may tatak na mga puso, dagli-dagli akong sumakay sa aming shuttle para makauwi agad. Sabik na sabik akong makita ang magiging reaksyon ng asawa ko kapag binigay ko itong aking dalang mga rosas. Kahit naliligo na ako sa kantyaw ng aking mga kaopisina dahil sa mga bulaklak ko, buong-loob ko pa ring ipinagyayabang ang aking pag-ibig sa asawa ko.

Sabi ko nga sa inyo, isa akong hopeless romantic. Mahilig akong gumawa ng mga sopresa para sa aking asawa tuwing may okasyon o special na araw kaming dalawa. Kadalasan ay mga hand-made ko mismo ang aking mga ginagawa para sa kanya, gusto ko kasing malaman nya kung gaano sya kahalaga para sa akin; na naglalaan ako ng panahon para gawin ang mga regalo ko sa kanya. Sa totoo lang, hindi ako mahilig magbigay ng rosas, mas madalas idino-drowing ko na lang yung rosas sa isang malinis na puting card kalakip ang aking ginawang tula para sa kanya. Para sa akin kasi mas malakas ang dating no'n kesa sa aktuwal na rosas. Subalit iba naman kasi ang pananaw ng asawa ko.

Ayokong dumaan lang ang Valentine's day na wala akong iaabot sa kanya na tanda ng aking pagmamahal. Hindi naman sa pihikan sya, hindi lang talaga sya mahilig sa mga hindi pangkaraniwang regalong ginagawa ko. Ayaw nya kasi ng tatlong Flat Tops na may love letter sa loob ng bawat isa; ayaw nya rin ng tatlong Maxx Candy na Cherry flavor na naka-arrange sa gitna ng cut-out na puso mula sa isang magazine; at lalong ayaw nya yung balat ng Chiklet na kulay pula na inipon ko at dinikit sa isang card na may nakasulat na tula sa loob. Kaya ko naisip na magregalo na lang ng bulaklak, baka sakaling magustuhan nya ito. Medyo may kamahalan nga ito kumpara sa mga dati kong regalo sa kanya pero panigurado akong ikatutuwa nya ito.

Ewan ko ba kung bakit noong araw na iyon, sobra ang trapik sa South Expressway. Paglabas pa lang kasi ng Santa Rosa exit ay gapang na ang sinasakyan kong bus. Naubos na lahat ang panaginip ko, naandon pa rin ako sa highway na iyon. Lagi ko ngang sinisilip yung dala kong bulaklak at baka kako lantutay na sya kapag iniabot ko sa asawa ko. Nakadating ako sa bahay pasado alas nuwebe na, daig ko pang pumunta sa Cebu at bumalik dito ng dalawang beses. Ganunpaman, hindi nito kayang tabunan ang pagkasabik kong iabot ang aking regalo sa aking asawa.

Pagkabukas ko ng aming pinto, sinalubong ako ng aking asawa. Buong ngiti kong iniabot sa kanya ang dala kong bulaklak at sinabing Happy Valentine's Day Mommy. Hinding hindi ko makakalimutan ang kanyang reaksyon. Isang pekeng ngiti ang kanyang ibinaon sa aking isipan na pakiwari ko ay may halong pagkadismaya. Sinubukan nyang amuyin yung rosas at mas lalong nalukot ang kanyang mukha. Sana daw ay sapatos na lang ang ibinigay ko. Hindi ko inaasahan na ganon ang isasalubong nya sa akin. Lubha akong nasaktan.

Pinilit kong huwag masyadong pansinin ang mga nakita ko pero sadyang malalim ang sugat na idinulot nito. Bumabaon, sumasakit. Bihira ako magalit sa ibang tao, sa asawa ko, hindi pa kahit kailan. Ngunit hindi ko kinakalimutan ang mga ganitong pangyayari na nagpapatatag sa akin at sa aming samahan. 


Sa simula, sinubukan kong manahimik na lamang. Inisip kong, para ano pa at lilipas din ito, makakalimutan ko din ito na parang walang nangyari sa araw na ito. Pero may mga bagay na hindi basta-basta pinapalagpas lang. Ito yung mga pagkakataong makikilala mo nang husto ang mga tao sa paligid mo at lalong lalo na ang sarili mo. Ayaw kong tapusin ang araw na masama ang loob ko sa kanya kaya sinubukan ko siyang kausapin.

Sa kuwarto namin, pagkatulog ng mga bata sinimulan ko ang aking pang-uusisa. Sinabi ko na nasaktan ako sa mga nakita ko sa kanya kanina. Parang ibang tao kasi yung sumalubong sa akin, dagdag ko pa. Bagamat binabale-wala ko yung mga yon, tinanong ko siya kung pwedeng malaman ang dahilan sa likod ng mga ikinilos niya. Tahimik lang siya. Sa totoo lang, magaling magsalita ang asawa ko, matatas sa debate, mabilis ang ikot ng isipan pero ngayon parang kung anong katahimikan ang sumapi sa kanya.

Inulit ko yung tanong ko. Mahinahon. Nakikiramdam kasi ako. Tahimik pa rin. Bago man sana tayo matulog, gusto kong malaman ang tunay na dahilan, ang maamo kong tugon sa katahimikan niya. Patay na ang ilaw namin sa kuwarto pero may kaunting liwanag na dulot ng ilaw sa may poste. Maya-maya'y umupo siya mula sa pagkakahiga, ganon din ang ginawa ko. Tumingin siya sa akin. Naaninag ko ng bahagya ang mukha niya, hinawakan ko iyon ng marahan. Yumuko siya ng marahan sabay patak ng luha. Bago pa man ako makapagsalita, lumapit siya sa akin, sabay yakap.

Naging maikli ngunit madamdamin ang usapan namin nung gabing iyon. Ngunit mas lalong tumibay ang aming samahan pagkatapos ng gabing iyon. Bago siya umidlip, humawak siya sa kamay ko. Mahigpit. Parang ayaw pakawalan. Pilit kong tinititigan ang hitsura niya sa kabila ng madilim na kapaligiran. Ewanko kung ano ang nakita ko, pero naramdaman ko nung gabing iyon na hindi ako nagkamali sa pagkuha sa kanya bilang kabiyak ng puso ko, sa likod ng paniniwalang, tao lang din ako, maaring magkamali.

2.12.2010

Pag Inlab, Weird


Hopeless romantic daw ako sabi ng mga kaibigan ko. Hindi sila pabor sa mga ideyang hinahain ko sa kanila tungkol sa mga panunuyo sa babae, kasintahan man o asawa. Weird daw ako pati na yung mga naiisip ko. Minsan kapag tinamaan ka talaga ng pana ni Kupido, hindi mo na iisipin kung weird ka o hindi, basta ang alam mo lang inlab ka at masaya ka sa ginagawa mo.

Bisperas ng Valentine's day taong 2003, inasikaso ko ang aking malaking sorpresa para sa asawa ko. Matagal ko itong pinag-isipan at pinag-ukulan ng oras. Base sa aking kalkulasyon, ito ang tamang panahon para isakatuparan ang aking misyon. 

Siyempre inantay ko munang makatulog ang asawa ko bago ako kumilos para sa aking plano. Nagkunwari akong tulog na rin para makumbinse ko siyang magpahinga na rin. Nang maramdaman kong maaari na akong magsimula para sa aking plano, dahan-dahan akong tumayo at naghanda.

Pinong-pino ang mga galaw ko, ingat na ingat ang bawat kilos. Iniiwasan ko kasing lumikha ng ingay para di magambala ang aking asawa sa kanyang pagtulog. Mababaw kasi siya kung matulog, konting ingay lang, nararamdaman niya agad ito. Ayokong pumalya at masira lang ang lahat ng plano ko nang basta-basta lang.

Gupit dito, dikit doon, sulat dito, guhit doon. Isang maliit na flashlight lang ang ilaw ko para kako madaling patayin kung sakaling biglang magising ang asawa ko. Gupit dito, dikit doon, sulat dito, guhit doon. Baka nga weird ako.

Halos mag-uumaga na nang matapos ako sa aking sorpresa, antok pero sobrang saya ko dahil nagawa ko iyon nang hindi nagigising ang asawa ko.
Sinubukan ko pang umidlip pero hindi kayang magwagi ng antok laban sa excitement na nadarama ko. Nang lumiwanag ng kaunti, isang damping halik sa pisngi ang pinang-gising ko sa asawa ko.

"Hapi Balentayms", ang aking unang bati sa kanya, sabay hugot sa likod ko ng isang nakatikom na puting rosas na iniabot sa kanya.

"Labyu", ang tanging naisagot niya sa akin. Pupungas-pungas pa.

Bago pa man niya mahawakan yung iniabot kong rosas, napansin niya agad ang malalaking letra na nakasulat sa kisame ng aming kuwarto.

'START HERE'.

Sa tabi nito ay isang kulay puting ginupit na karton na hugis 'arrow' na nakaturo sa susunod pang 'arrow' na nakaturo sa susunod pa hanggang sa dulo. Sadyang nagbibigay direksiyon sa kaniya na sundan ang mga ito.

Dagli siyang tumayo na parang naalimpungatan pero nakangiti sa akin. Ngiting tila nagtatanong kung ano na naman ang aking sorpresa sa kanya. Una siyang tumigil sa may pintuan ng aming kuwarto kung saan nakadikit doon ang pangatlong 'arrow' na may nakaipit na puting rosas at litrato namin noong college pa kami. May kaunting kuwentong kalakip ang litratong iyon. Binasa niya nang marahan, sabay ngiti ulit.

Pinuntahan naman niya ang kasunod na 'arrow' malapit sa hagdan. Kinuha niya muli ang isang puting rosas na nakaipit dito at binasa muli ang kalakip na kuwento mula sa isang litrato namin noong nagpunta ako sa kanila sa Olongapo.

Sinundan niya ang mga 'arrow' na nakadikit sa aming pader, hagdan, aparador, kurtina at kung saan-saan pa. Sampung rosas na puti, sampung litrato at sampung kuwento ang dinaanan niya bago siya makarating sa dulo kung saan may isang puting rosas uli at isang matinding bugtong. 

Hindi mahilig ang asawa ko sa mga puzzles pero nung panahong iyon, tila sabik na sabik siyang sagutin kaagad yung bugtong.

   Mayroong pintuan pero hindi aparador
   Mayroong paa pero hindi nag-andador
   Malakas siyang magpaikot ng mga kuntador
   Malamig kahit walang bintilador.


 
Ang sagot sa bugtong ay ang lugar kung saan nakalagay ang aking munting regalo sa kanya. Dagli niya agad pinuntahan ang sagot sa bugtong at hinanap ang kanyang regalo.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang kanyang hitsura noon. Bagong gising na naka pangtulog na damit pa. Maayos naman ang kanyang bagsak na buhok. Sa kanang kamay ay hawak ang isang dosenang puting rosas kasama ang sampung litrato naming dalawa kalakip ang mga kuwento nito. Sa kaliwang braso ay maningning na nakasuot ang bracelet na regalo ko sa kanya. Matagal na nakaplaster ang mga ngiti, parang magpapakuha ng litrato. 

Weird na rin pati asawa ko.

2.09.2010

Sweet Nothings

I have been in deep thoughts lately on what to write about you, that I still haven’t written. You have been the lone subject of more than half of my essays and poems since I started writing. Some of which were still in its original manuscripts, though most of it were lost in the passage of time.

You have given me so much inspiration and encouragement that words frantically flow from one paragraph to another and from one stanza to the next. I could have written an entire book professing my love and affection for you. You are not just a picture that is worth a thousand words, you’re a beauty to behold; a song to sing and an idea to dream for.

I have always been very vocal about my love for you, if there are chances, I would enjoy telling our fairytale love story to everybody else. I would like them to know how grateful I am to have a partner in crime in your beauty and form. You’re the sweetest and most passionate thing that ever happened to me.

I took you as the other half of me, ten years ago, eagerly anticipating the chance to simply grow with you. And having that chance to know new things about you every single day makes me want to love you more. I am now proud, that I have witnessed the transformation of the woman you have become, because I know I was a big part of it.

I vow to love you for whatever life may bring as I dedicate this love month to you.

I love you more than you think I do.