Matagal nagtrabaho si Tatay sa Saudi, paminsan lang sa isa o dalawang taon siya bago makapagbakasyon muli sa Pilipinas. Sa pagsusumikap ni Tatay, nakaipon kami paunti-unti ng mga gamit sa aming munting bahay. Sa isang pag-uwi ni Tatay, isang malaking kahon ang kasama ng kanyang mga bagahe.
Pagdating sa bahay, ito ang unang binuksan ni Tatay. Regalo niya daw ito sa aming magkakapatid sa patuloy pagsusumikap sa aming pag-aaral. Sa pagbukas ng malaking kahon, isang itim na bagay ang tumambad sa aming lahat. Abot ang ngiti ko noon nung makita ko ang laman ng kahon. Isang mini-component siya.
Bihira kami magkaroon ng magandang gamit sa bahay. Yung TV namin na black and white ay kailangang pukpukin sa taas para gumana yung vertical-hold, kasi kung hindi, sasakit ang ulo mo bago mo matapos ang isang palabas. Yung ref naman namin ay pang-isahan lang, na dalawang pitsel lang ng tubig ang kayang ilaman, personal-ref lang kasi siya. Bigay ito sa nanay ko ng isang kustomer niya sa paglalaba. Yung luma naming radyo ay AM lang ang kayang masagap, kaya bihira yon mapatugtog kasi madrama masyado. Maliban sa mga ito at sa aming plantsa, wala na kaming ibang de-kuryenteng gamit sa bahay.
Kung kayat malaking bagay para sa aming magkakapatid ang magkaroon ng bagong radyo. At hindi lang basta radyo, mini-component pa. San ka pa?
Malupit ang radyo ni Tatay. Kulay itim ito na mahaba at madaming pihitan at pindutan sa harap. Dalawang malalaking speaker ang nakakabit sa kanya sa magkabilang dulo. Maaari mo itong tanggalin at ilagay kung saan mo gusto. Minsan nilipat ko ito sa malapit sa pintuan naming sabay nagpatugtog, muntik nang mapaaway ang nanay ko sa kapitbahay namin. Ang pinaka natutuwa ako dito ay ang dalawang cassette player niya. Maaari mo kasing i-record sa kanang bahagi ang pinapatugtog mo sa kabilang bahagi. Hi-tech, ika nga ng kaibigan kong si August.
Madalas kapag naglilinis ng bahay o kaya nagbubunot ng sahig, sumasabay sa tugtog ng aming component ang galaw ng aking mga paa at kamay. Nagiging automatic ang kilos ko base sa bilis o bagal ng tugtog. Maya-maya mararamdaman ko na lang na umiindayog na sa musika ang aking mga kalamnan. Minsan pagkatapos maglinis, hindi ko alam kung saan ba galing ang mga pawis ko – sa paglilinis ba o sa pagsabay sa makiliting tugtog ng aming radyo.
Ang radyo ni Tatay mismo ang nagpakilala sa akin sa mga sikat na mang-aawit sa Pilipinas at sa ibang bansa. Malaki ang naidulot niya sa akin kung bakit gusto ko ang mga awitin ng ABBA, Carpenters, America, Sinatra at siyempre ang Asin at si Florante. Nung matuto ako mag back-masking ng mga cassette tapes ng mga sikat na singers, duon ko lalo minahal ang aming radyo.
Totoong malawak ang kapasidad ng radyo ni Tatay. Mabilis pumawi ng lungkot ito kapag nakinig sa mga nakakatawang programa. Kasing-bilis din naman ikaw palungkutin kapag nakinig ka sa mga drama sa hapon. Maingay siya kapag umaga pero kapag patulog ka na ay nakikipaghele din siya sa iyo. Kapag mag-isa sa bahay, si radyo ang aking kaibigang tunay.
Sa tuwing makikita ko ang radyo namin, lagi kong naaalala si Tatay. Doon ko kasi pinapakinggan ang mga recorded messages ng Tatay ko sa amin. Ang mga iba’t-ibang kulay niya sa harapan ay tila mga mata ni Tatay na nakatitig sa akin. Ang dalawang mahahabang antenna ay nagmimistulang mga kamay ni Tatay na handa akong yakapin. Para sa isang batang gaya ko na sabik sa piling ng Tatay ko, yung radyo ang napaglilibangan ko.
Hanggang sa isang araw pag-uwi ni Tatay, isang malaking kahon ang kasama sa kanyang bagahe. Biglang kabog ulit ng aking dibdib.
Pagdating sa bahay, ito ang unang binuksan ni Tatay. Regalo niya daw ito sa aming magkakapatid sa patuloy pagsusumikap sa aming pag-aaral. Sa pagbukas ng malaking kahon, isang itim na bagay ang tumambad sa aming lahat. Abot ang ngiti ko noon nung makita ko ang laman ng kahon.


Manila Time

7 nakituldok:
siguro ito ang reaksiyon ng mga kalaro/kaibigan mo.
Wowwwwwwwwww, ang yaman na nila Edong.
Ano ang laman ng kahon?
kainaman ka jkul! hehe
yan ay isang pasalubong na napaka ganda, radyo lang subalit napaka halagang gamit sa bahay. Napaka halagang alaala na kahit kelan ay di na muling babalik...ito ay isa sa mga bagay na dapat nating alagaan at ipagpasalamat...kay tatay na walang kupas sa pagmamahal sa atin.... salamat tatay....
Maraming itinuro sa akin ang Saudi. Kalimitan hindi magandang karanasan na pinaganda ng Panginoon at maging ng mga kaibigan. Iba talaga ang dulot na saya ng bagahe na 'yan ser.
At bawat OFW may dala dalang bagahe both literally and figuratively. Paglipad namin from Riyadh to Abu Dhabi nung 7th of July iniwan ko na sa himpapawid ang mga bagaheng pangit na siyang palagay kong magagamit ko sa pangkasalukuyan. Ikaw na ang sumasayaw with the component. Be blessd ser Edong!
anonymous,
masyado akong nahihiwagaan kung sino ka talaga, hehehe...
balang araw makikilala rin kita. salamat sa iyong pagbisita...
sir pong,
mabuti at naligaw ka dito sa aking yungib. nakabalik ka na ba sa Pinas?
natutuwa akong marami kang natutunan sa iyong pakikipagsapalaran sa saudi, naway magamit mo ito sa iyong pang-araw araw na pamumuhay at pakikitungo sa iba... ipagpatuloy ang pagbibigay ng inspirasyon sa amin... :)
Kainaman ka sir edong!!!
may part 2?
hmm ano po kya ang laman ng kahon???
hndi kc tlga mlimit bumili ng mga bagay n mggamit nmin s bhay kya tulad nyo s tuwing uuwe c tatay n my pasalubong tlgng tuwang-tuwa kming mgkkpatid..pero ang pinakamahalaga prin ay npgsumikapan ni tatay n mptpos kmi ng pgaaral at yun ang pinakamalagang bagay n nbgay nya smen..kya maraming salamt s iyo TATAY!!!
Post a Comment