Sabi nga ng isang kanta ng Sacred Oath - death is inevitable. Ang kamatayan ay di kayang iwasan. Isa ito sa mga bagay na siguradong mangyayari sa yo maging ano man ang estado mo sa buhay. Maaari mong mapahaba ang buhay mo kahit kung hanggang ilang taon ang kaya mo pero eventually, maaabutan ka rin ng kamatayan. Ang ilang karakter nga sa bibliya ay umabot pa ng ilang daang taon pero hindi pa rin nila nalabanan ang kanilang kamatayan. Sabi ng iba, ito ang finish line ng buhay, ito ang katapusan ng lahat, ang sukatan ng ating pagkatao. Una-unahan nga lang daw yan.
Minsan, kung pag-uusapan ang tungkol sa kamatayan, nakakailang ng kaunti, lalo na kapag tungkol ito sa isang taong malapit sa iyo. Lagi tayong in denial kapag ito na ang topic ng kwentuhan. Nahihirapan tayo kasi hindi natin ito kayang tanggapin o kaya hindi pa tayo ready. Pinapatunayan ito sa mga resulta ng mga surveys at interview, na isa sa pinaka kinatatakutan ng mga tao maliban sa public speaking ay ang kamatayan o pagkamatay. Kelan ba ang panahon na handa ka nang mamatay?
The fear of death follows from the fear of life. A man who lives fully is prepared to die at any time. ~Mark Twain
Noong isang linggo lang, nagpunta kami buong pamilya sa isang burol ng tatay ng isa naming family friend. Kumplikasyon ng sakit na diabetes ang kanyang ikinamatay. Matagal siyang pinahirapan ng sakit na ito, naandyan yung naputulan pa siya ng paa dahil dito. Matagal nang tinanggap ng kanyang mga anak at asawa ang kanyang kalagayan kaya’t hindi gaano sila naapektuhan nang mamaalam na siya sa mundo. Handa na ang kanyang buong pamilya.
Sa tapat ng bahay namin sa Bicutan ay may nakaburol din, na namatay dahil din sa isang malubhang sakit. Kamakailan kakalibing lang din ng isa kong kakilala na nabundol ng bus sa may Commonwealth. Nag-leave naman yung isa kong kasama sa trabaho dahil libing ng kanyang lola. Tuwing uuwi ako, nadadaan ako sa isang memorial chapel na kung saan hindi ko pa nakitang nabakante. Laging puno lalo na kapag gabi, box office ika nga.
Bawat minuto may namamatay, bawat segundo may nabibingit sa kamatayan. Makailang beses na rin akong nakipaglaro sa kamatayan at may nakita na rin akong mamatay sa harap ko. Ang tanong ko lang sa sarili, handa na ba akong mamatay o mawalan ng isang mahal sa buhay?
Kahapon lang, sa isang bihirang pangyayari, nagusap-usap kaming magkakapatid tungkol sa bagay na ito. Gaya ng nakararami, dumaan din kami sa stage ng denial. Ayaw naming simulan ang usapan noon, lahat ilag kapag usapang kamatayan. Pero sa ngayon, unti-unti na naming tinatanggap.
Death is inevitable. Ito ang mga katagang tumanim sa akin sa lahat ng binanggit ng kuya ko doon sa aming pag-uusap. Nakakatakot isipin pero tama kahit saang anggulo tingnan. It is certain.
Sa ngayon, mas matindi ang pinagdadaanan naming magkakapatid, pero walang sumusuko sa amin, walang bumibitaw. Kapwa pinaghuhugutan namin ng lakas ang bawat isa sa amin. Mahirap pero kailangan naming pagdaanan. Sa mga pagkakataong ganito, mas lalo kaming tumitibay. The virtues that were thought to us since childhood are being tested now. Ngayon pa ba kami susuko?
Higit sa lahat, hangad lang din namin ang patuloy na patnubay at pag-alaga ng ating mahal na Panginoon.


Manila Time

3 nakituldok:
pards kamusta na si erpat? pasensya na wala akong load at di ako makapagtext.
sabi nga nila isa daw sa madalas na itanong kung kailan mamamatay ang isnag tao, at ito lang daw ang magandang sagot, 'sa oras na ang tao ay isilang'
certain.
pero one thing for sure, he Lord has conquered the grave. and the absolute truth is, death has no sting lalo na sa mga nagtitiwala sa Diyos.
be blessed ser
salamat pareng pong, malaking bagay para sa amin ang iyong prayer brigade...
God bless you sir!
bossing... my prayers are with you and your family...
para sa akin ang kamatayan ay nde katapusan kundi ito ang simula ng buhay na walang hanggan sa piling ng Panginoon... kaya nde natin dapat katakutan ang kamatayan... :)
yan lang ang bagay na tiyak na mangyayari sa buhay ng bawat isa...
kaya boss, just keep the faith.. God is good all the time.. He is with you always.. :)
Post a Comment